MY STORY




MY FAMILY



Isa ako sa nga pang karaniwan may bahay, na nagnanais na magkaroon ng masaya, maayos at malusog na pamilya. Sabi nga ng typical na tao (hindi na balewala pera basta malusog at walang sakit). Ganun ba talaga yun. 36 years old ako ng sinumulan ko isulat ang blog na ito. Kasal ako sa lalakeng tubong pangasinan purong taga Caloocan naman ako, sa pagbuo namin ng pamilya may 2 anak kami 1 babae at 1 lalake. Habang lumalakad ang panahon sinisikap namin ng asawa ko na maging maayos at masaya ang pamilya.


May isang bagay na unti-unti nagpapalungkot at nagbibigay ng pagaalala sa isip ko yan ay ang katotohanang tumatanda at umiidad na ako at ang asawa na ang kasunod ay ang pagkakaroon ng sakit. Sakit na magiging dahilan para hindi na ako masiyahan sa buhay dahil sa mga pangyayari nakikita ko at nararamdaman ko mismo. Unti-unti ko na nararamdaman ang panghihina kung minsan ay hindi ko na lang ito pinapansin at iniisip na konti pahinga lang at babalik din ang aking lakas. Ang asawa sa edad na 31 kung ano-ano na rin ang daing na masakit at nararamdaman sa kabila ng batang edad nya. Ang higit na kinababahala ko ay yung dalawang anak ko. Ang babata pa 9 yung lalake at 13 yung babae kung ano-ano na rin ang daing nila na masakit na kanilang nararamdaman na nagpapangyari na manghina sila. Lumaki ako na marunong mag-ingat ng aking kalusugan, naalala ko nga 16 years old ako noon nung nalaman ko may bukol ako sa ibabaw ng kaliwang dibdib ko, alam ko noon ceast yun na mapupunta sa cancer. Wala naman pera ang mga magulang ko para ipagamot ako hindi ko pinaalam sa kanila naghanap ako ng ospital na may libre operasyon, nang dahil masikap ako nakakita ako at nagpaopera ng libre gulat na gulat ang nanay ko, sinabi ko lang sa kanya nung araw na ooperahan na mismo ako muntik himatayin...ang tanging nasabi ay "ANG LAKAS NG LOOB MO". ayaw ko lang talaga lumala pa yun agapan ko hangat maaga pa, halos 20 years ang nakalipas nagpapasalamat ako ginawa ko ang tama.


Kapag mararamdaman ko na namagkakasakit ako umiinom na kaagad ako ng gamot para hindi matuloy ang sakit ko. Kapag buntis ako mas doble ingat ako, sa kalusugan natin palagi kasama ang pera empleyado lang ang asawa ko at maliit lang ang sweldo na ka budget lang, para makatulong ako sa kanya at hindi magdagdag ng gastusin kahit ano mangyari magpapacheck up ako para masiguro ko na malusog ako at ang bata na dinadala ko. Kapag lumabas na ang bata, sinisiguro ko na completo sa bakuna matiaga ako pumipila sa center para masiguro ko ang aming kalusugan at iwas sa malaki gastusan.

ANG AMING MGA KARAMDAMAN

36 Palang ako kung ano ano na ang mararamdaman ko, hindi ko naiintindihan kung paano nangyayari na naraaramdaman ko ang mga ganun sakit. Wala naman ako rayuma pero palaging pinupulikat ang paa ko, ang ulo palagi masakit, maglakad lang konti pagod na at mamaya lalagnatin na ako, araw araw sabi 8 hours daw ang tulog pero 10 na nga ako natutulog parang puyat at pagod pa din ang bigat ng katawan at mata ko, ang tiyan ko malaki palagi akala ko buntis ako excited tuloy ang asawa ko pero hindi pala sumasakit pa nga kapag madaling araw. Ang puso ko hindi naman ako kinakabahan pero bigla na lang kumakabog sabi nila papunta daw yun sa sakit sa puso. Ang buwanang dalaw ko kung dumating minsan sa isang taon, hindi rin ako success araw araw 3-5 beses ako kung kumain tapos lalabas after 3 days hindi normal ang ganun.

Ang asawa ko, dhil sa maghapon trabaho napakalakas kumain at sumasakit na nga ang batok tuloy pa din ang pagkain nya ng marami kanin...hypertension naman ang ikinababahala ko sa kanya, at yung ubo nya hindi nawawala yun plema nya palagi ko naririnig at hindi rim maganda ang pagubo ubo nya.


Ang dalawang anak ko din tatlo kami may U.T.I...monthly isa sa aming tatlo ang dinadala sa ospital kpag inaatake kami ng U.T.I para kunin kay doc ang reseta for 1 week na iinumin. Yun bunso ko anak na lalake, dumudugo ang ilong nya minsan araw araw kung dumugo ito kahit taglaming dumudugo, pareho silang mabilis manghina paguwi galing school parang pagod na pagod at kinapitan din sya ng galis sugat sugat ang paa nya. Yun panganay ko naman ang bata bata pa may rayuma ata sya palagi masakit ang mga hita at paa nya at mga laman laman, kapag dumating ang buwan dalawa nya hindi nakakapasok sa school dahil masakit ang puson. Isama pa ang buwan buwan isa sa amin ang may ubo at sipon.


Ang lahat ng yan ay inaalala ko at pinagkakagastusan namin ng pagpunta sa doctor at pagbili ng gamot kapalit ng pansamantala kaginhawahan.Sanay na kami ng nabubuhay ng ganun sa tingin ko noon ganun naman talaga bahala na magtrabaho para may pera na pambili ng gamot, at maghanda para sa mas malaki gastusin at mas malala sakit na hindi impossible ng dahil sa parumi ng parumi na kapaligiran natin.



NA DISKUBRE KO ang dahilan kung bakit kami nagkakasakit,

Isang araw tumatawag ang asawa ko sa akin, asan daw ako dahil may ipapakita daw siya sa akin, pinuntahan ko sya at natagpuan ko sya na nakaupo sa harapan ng isang seminar for health issue, naiinip ako sa mga ganun dahil alam ng asawa ko na mahalaga sa akin ang aming kalusugan nakinig ako at tinapos ko ang presentation. Ang dami ko nalaman kung bakit napakarami naming sakit na doon ko lang nalaman. Katulad ng ang frutas at gulay pala na kinakain natin ay nakakapagbigay din ng sakit, ang hangin na lalanghap natin lalo na kapag malapit tayo sa mga naninigarilyo kahit hindi ka naninigarilyo mas doble ang sakit natin kapag nalanghap natin, ang mga pagkain natin na iniinit ng ilang beses, ang mga electronic gadget, additives na ginagamit natin na pampasarap sa ating pagkain, ang tubig na ating iniinum, ang sikat ng araw, stress, excessive calories, at marami pang iba.Masaya ako at hindi nasayang ang panahon ko dun ang dami ko natutunan, nalungkot din dahil hindi naman natin kaya iwasan ang mga dahilan ng mga sakit natin. Katulad ng tubig, hangin at pagkain papaano tayo mabubuhay kailangan natin ang lahat ng iyan para mabuhay.Ang hindi natin namamalayan nagpapasok pala tayo ng basura sa ating katawan.


Ang panlaban o ang pambalance


Sa huli ng presentation may ipinakilala silang maari panlaban o pambalance para maiwasan o mapigilan ang nakakatakot na epekto ng mga nasabi dahilan ng pasama ng pasamang kalagayan ng ating kalusugan. Isang FOOD SUPPLEMENT. Ang naintindihan ko ang food supplement ay hindi gamot,
ito ay pag kain na magpupuno sa mga kulang na nutrition na nakukuha natin sa mga pagkain na kinakain natin sa panahon ngayun. Pagkain ang kailangan para mapantili natin malakas at malusog ang ating katawan, kaya kung pakakainin natin ng tama ang ating katawan magseserbisyo din ito sa atin. Ang katotohanan nakakalimutan natin ang isang napakaimportante tao sa buhay natin yan ay ang katawan natin o tayo mismo. Kapag sinusumpong kami ng mga sakit namin handa kami gumastos para lang gumaling nang makilala ko ang bagay na ito, doon ko naisip tama nga hindi kami nakakakain ng masusustansya pagkain para magkaroon ng panlaban ang katawan namin. Kung kakain ng tama ang katawan magseserbisyo ito sa atin ng napakaganda kalusugan.


Ang sabi ni Doctor,

Para maiwasan daw natin ang sakit kailan daw iwasan ang mga hindi unhealthy foods, at ang kainin ay 5-10 serving of fruits and vegetables yun supplement na nakilala ko 20 ang fruits and vegetable, kaya mas marami nutrients ang bigay nito sa amin.Isa pa ang mahal ng mga frutas at gulay ngayu 5-10 serving daw ibig sabihin iba iba, iniisip ko nga maari na rin siguro yun gulay na chopsuey saka yun pinakbet, pero hindi naman pwede na araw araw yun ang kainin namin kung frutas naman mahal talaga ilan lang ang mabibili ko, kaya naisip at pinagusapan namin ng asawa ko na subukan inumin ang supplement.


ANG MATALINONG DECISYON

Sa dahilan mahal ko ang sarili ko at ang pamilya ko bumili kami ng product para inumin para hindi sana madagdagan pa ang aming mga sakit at magsimula ng healthy diet at lifestyle, Sabi nga nila prevention is better than cure daw, kaysa maghanda kami para sa pagdating ng panahon na kami ay magkaroon ng malalang sakit naisip namin na bakit hindi na namin labanan ito ngayun at mamuhunan para sa napakahalaga nating kalusugan, inaalala ko din na ang mga sakit ngayun ay asymphomatic means walang synthomas, bigla na lang naiistroke ang mga tao at inaatake at ayun kapag nalaman ang sakit malala na at kadalasan wala ng lunas, ayoko mangyari ang ganun kung kaya alagaan ang kalusugan ngayun gawin na namin ngayun.
Binadget namin ang pera para makabili kami ng ganun product binawasan ang ibang gastusin katulad ng pagbili ng junk food at mga softdrink na talaga naman walang maganda idudulot sa ating katawan.


AMAZING RESULT


Nakakagulat unang araw palang na ininum namin ang SUPPLEMENT maghapon na trabaho ko hindi ako nakakaramdam ng pagod, ganun din ang asawa at mga anak ko. Masarap ang tulog namin na paggising sa umaga malakas ang pakiramdam at masigla ang mga anak ko, minsan na bumiyahe kami at halos walang tulog hindi kami nanghihina, yung lahat ng sakit ko na nabangit ko lalo na yun pananakit ng ulo naalis lahat, yun anak ko lalake yun pagdudugo ng ilong nya hindi na uli naulit pinahiran ko yun sugat sugat nya 3 days lang natuyo lahat. Hindi na uli sumakit ang puson ng anak ko kapag dumarating ang buwanan na dalaw nya at yun mala rayuma nya pati yun ay hindi na uli nya naramdaman. Syempre pa pati yun pananakit ng ulo ng aking asawa at yun nakakairita ubo nya nawala din. Hindi namin binili yun at ininum para gumaling ang mga nararamdaman namin pero yun ang benefits na ibinigay nya sa amin. Napakalaki tulong at tipid ang nangyari.


HINDI INAASAHAN (bonus)


Yun kamag-anak namin bumisita sa amin may bukol sya sa ilalim ng kanyang dila, isang buwan siyang uminom na kasama namin hindi namin inaasahan na matutunaw ang bukol sa ilalim ng dila niya na ikinamatay ng tatay niya.

Pumayat ako nang hindi naman ako nagbabawas ng pagkain o wala naman balak magpasexy, yun skin ko na nawawala na sa porma gumanda uli ang porma bumalik sa dati.Napakinis nito ang mukha ko ipinapahid ko yun natitira sa iniinum ko



Ang tatay ko din dumalaw sa amin, nakakain ng panis na ulam na nabili sa kapitbahay maghapon sumasakit ang tyan hindi din madumi inabot na 10pm ng gabi isinugod nila sa ospital pagdating ko ng 11pm pinauwi sila ng doctor at kailanga daw tumae muna maghapon na syang hirap na hirap pagdating pinainom ko ng isang baso at 6 na pirasong tablet form at syempre ang pinakamahalaga sa lahat ang pananalangin sa may bigay ng ating buhay (JEHOVA), ilang minuto lang sumuka ang tatay ko at nakatulog na, kinabukasan ay nadumi na sya. AT NAPAKARAMI PA MGA DI INAASAHAN TULONG NITO SAMIN.



SHARE PASS IT ON....


Ang ganito kaganda product para sa may sakit, para sa malusog, para sa lalake, para sa  babae, para sa bata, para sa matanda, KARAPAT DAPAT LANG PONG ISHARE AT IPASA.